SURPRISE RANDOM DRUG TEST, ISINAGAWA SA MGA EMPLEYADO NG LGU

Mahigit isang daang empleyado ng LGU Lingayen ang sorpresang sumailalim sa Random Drug Test noong Hulyo 3, 2020.

Ito ay bilang tugon na rin sa programang nakapaloob sa Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).

Pinangunahan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang nasabing aktibidad at ipinaliwanag kung ano ang kahalagahan nito sa mga empleyado.

Ayon sa alkalde, ang random drug test sa pamamagitan ng pagsusuri sa urine o ihi, ang pinakamabisang paraan upang makatiyak na walang gumagamit ng ilegal na droga sa mga kawani ng munisipalidad.

Binigyang diin ni Mayor Bataoil na dapat maging magandang ehemplo ang mga Municipal Employees sa kanilang mga kababayan lalo’t ang mga ito aniya ang nagbibigay serbisyo publiko at itinuturing na mga lingkod ng bayan.

Ayon pa sa butihing alkalde, ang aktibidad ay tugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units na magsagawa ng mandatory drug testing at tumulong sa pagsugpo ng problema sa droga at kriminalidad.

“Kautusan ito ng national government at hindi ito sa lebel ng local government. Nationwide ito kaya kelangan natin magcomply para masigurado na ang bayan ng Lingayen na ating pinagsisilbihan ay malaya sa iligal na droga” ani Mayor Bataoil.

Kumpyansa naman ang alkalde na positibo ang maihahatid ng naturang aktibidad sa munisipalidad na kanyang pinamumunuan.

Samantala, kung may mga empleyadong mapapatunayang positibo na gumagamit ng illegal na droga matapos ang initial screening test ay isasailalim naman sa confirmatory drug test.

Ayon sa Republic Act No. 9165 o “the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, ang isang opisyal o empleyado ng pamahalaan na napag-alamang nagkasala sa paggamit ng ilegal na droga ay mahaharap sa kasong grave misconduct at awtomatikong matatanggal sa serbisyo. (MIO)

📸 Lingayen PNP

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!