VIDEO-RECORDED STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS IPAPALABAS NGAYONG ARAW

Inaabangan na ng publiko ang isasagawang “Ulat sa Bayan” o State of the Municipality Address (SOMA) ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ngayong araw, Hulyo 28, 2020.

Tinatayang alas tres (3:00pm) ng hapon mapapanood ang kanyang SOMA sa Lingayen Information Office –ang official facebook page ng bayan.

Nakatakdang ilahad ng naturang alkalde ang kanyang mga nagawa mula sa isang taong panunungkulan sa bayan.

Kabilang na rito ang mga proyektong prayoridad para sa kapakanan ng mga Lingayenenses.

Inaasahang tatalakayin nito ang ilan pang update patungkol sa lagay ng ekonomiya sa bayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ibabahagi din nito ang mga nagawa at naitulong sa kanya ng mga department heads mula sa iba’t ibang opisina pati na ang pamunuan ng Sangguniang Bayan na kanyang naging kaagapay upang mapanatili ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa bayan.

Magaganap na mamayang hapon ang SOMA ni Mayor Bataoil at hinihikayat ang lahat na makibahagi at panoorin ito sa facebook page ng Lingayen Information Office.

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!