Skip to main content

120 Kambing Ipinamahagi sa Ilang Indibidwal sa Bayan

Aabot sa mahigit isang daan at dalawampung (120) mga kambing ang naipamahagi sa ilang indibidwal ng Lingayen noong Ika-17 ng Disyembre, 2019.

Nasa anim napung mga residente mula sa Brgy. Basing ang nabiyayaan at nabigyan ng alagang hayop mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development Department of Agrarian Reform (DSWD DAR) Convergence Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Program o CLAAP.

Mismong si Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama si Sangguniang Bayan Member Mac Dexter Malicdem ang sumaksi sa isinagawang ceremonial turn-over sa mga benepisyaryo.

Ayon naman kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz layon ng nasabing goat dispersal project na mabigyan ng tulong pangkabuhayan ang mga nasabing mamamayan.

Nagpaalala naman ito sa mga benepisyaryo na huwag katayin ang mga ipinamahaging kambing bagkus ay paramihin pa ito upang makatulong sa kanilang pangkabuhayan at kani-kanilang pamilya. (MIO)

📷 CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan