Skip to main content

127th Taon nang Paggunita sa Kamatayan at Kabayanihan ni Gat Jose P. Rizal

DECEMBER 30, 2023: 127th Taon nang Paggunita sa Kamatayan at Kabayanihan ni Gat Jose P. Rizal, Inalala sa Bayan ng Lingayen
Pinangunahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang iba pang opisyales ng bayan tulad nina Vice Mayor Mac Dexter Malicdem at Coun. JM Crisostomo ang pag-alala sa kadakilaan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose P. Rizal.
Isang simpleng programa ang ginanap na dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Lingayen at mga department managers. Kasama naman nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng bayani ang mga kawani ng PNP Lingayen, BFP Lingayen, Knights of Rizal, Moises J. De Guzman Masonic Lodge No. 161, mga bisita mula sa PMA at iba pang panauhin.
Mensahe ng naturang aktibidad na panatilihin ang kabayanihan sa puso ng bawat isa sa maliit man o malaking pamamaraan. Patuloy na mahalin ang bayang sinilangan at magsilbi sa kapwa at sa bayan ng walang pag-aalinlangan.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Pundasyon ng Kahapon, Isinabubuhay Ngayon”. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan