Skip to main content

13 Kandidata para sa Ligmas na Baley Ed Lingayen 2025, Pormal nang Ipinakilala

Pormal nang ipinakilala ang mga kandidata ng Lingayen Limgas na Baley 2025.

Kasabay ng flag raising ngayong araw ng Lunes, ika 21 ng Oktubre 2024 ang ang Sashing Ceremony din na hudyat ng opisyal na pagsasapubliko ng labing tatlong (13) nag gagandahang dilag mula sa iba’t ibang barangay sa bayan.
Nagpagalingan sa pagpose at pagproject ang mga kandidata na taglay ang confidence sa pigura ng kanilang mga katawan.

Bagamat ito na aniya ang huling Limgas Pageant na madadaluhan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil bilang alkalde, natutuwa umano siya na makitang maraming mga kababayan ang hindi lamang kilala sa kagandahan ngunit nangingibabaw din sa talino, talento at kahusayan.

Ang mga kandidata para sa Limgas na Baley 2025 ay ang mga sumusunod:

1. Rhea Mae DC. Luna (Pangapisan Sur)
2. April Mae M. Flores (Domalandan East)
3. Samantha Louise S. De Guzman (Tonton)
4. Megan Denise B. Ventanilla (Pangapisan North)
5. Felicity C. Mamplata (Domalandan East)
6. Emelyn Joy D. Ventura (Pangapisan North)
7. Francheska Corine D. Aquino (Poblacion)
8. Rhame C. Villoria (Libsong East)
9. Jasmine Michaella S. Escano (Sabangan)
10. Kia Roche Fernandez (Libsong West)
11. Maxine Cruz (Maniboc)
12. Jenny Peralta (Maniboc)
13. Asleigh Zoe Corde (Poblacion)

Ang mga naisapublikong kalahok ay dumaan sa proseso ng screening session at nakamit ang mga criteria at requirements base sa deliberasyon ng screening panel. Tiniyak naman ng Municipal Tourism Office o MTO Lingayen na maliban sa pageant, magkakaroon ng mga trainings at dadaan self development program ang mga nag-gagandahang kandidata na makakatulong upang lalo pang mapagbuti ang kanilang pakikiharap sa publiko.

Itinakda sa Disyembre 13, 2024 ang Limgas na Baley Pre-Pageant habang sa ika-2 ng Enero, 2025 naman ang coronation night at makikilala ang tatanghaling bagong reyna.

Ang Limgas na Baley ay isa lamang sa mga tampok na aktibidad para sa nalalapit na pagdiriwang ng Lingayen Cultural Presentation 2025. (MIO_MRLVinluan)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan