18-day Campaign to End Violence against Women
Muling nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataol sa taunang pambansang kampanya kontra karahasan sa mga kababaihan o ang “18-day campaign to endViolence against Women”.
Ngayong araw, Nobyembre 25, 2021 ang pormal na pag uumpisa nito kung saan inilatag ang mga programang nakalinya kaugnay ng nasabing aktibidad.
Isa na lamang dito ang pagkakabit ng tarpaulin o official streamer ng 18-day Campaign to End VAW sa iba’t ibang lugar sa bayan tanda ng pakikisa ng LGU Lingayen sa naturang kampanya.
Nakatakda ding magkaroon ng ‘’Do the Macho Choir Video Challenge’’ kung saan hinihikayat ang mga nais lumahok na gumawa ng isang video awareness patungkol sa hindi magandang epekto ng ‘catcalling’ o iba pang uri ng public sexual harassment sa kababaihan. (para sa detalye ng paligsahan basahin lamang sa offial fb page ni VM Juday DL Vargas)
Magsasagawa din ng distribusyon ng IEC materials na may kinalaman sa (RA 9262 Violence Against Women and their Children and RA 11313 Safe Spaces Act) pati na ang pamamahagi sa iba’t ibang barangay ng mga posters na may kinalaman din sa naturang usapin.
Isang Livelihood at Training Program din ang nakatakdang isagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO Lingayen.
Nagpahayag naman ng kanyang buong suporta si Mayor Bataoil sa nasabing kampanya. Ayon sa alkalde, suportado niya ang naturang aktibidad na walang ibang layunin kundi itaas ang kaalaman sa kanyang nasasakupan na ang karahasan sa kababaihan kahit pa sa mga kabataan ay hindi dapat ipinagsasa-walang bahala.
Hinikayat nito ang publiko na huwag matakot lumapit at magsumbong sa mga kinauukulan lalo na kung nakakaranas ang mga ito ng karahasan.
Patuloy naman ang panawagan ng LGU Lingayen na suportahan ang mga programang nakatuon sa kaalaman sa kaharahasan laban sa mga kababaihan at iba pang uri ng gender-based violence. (MIO)