Skip to main content

1st CSO GENERAL ASSEMBLY SA LINGAYEN, IDINAOS

Matagumpay ang isinagawang kauna-unahang General Assembly ng iba’t ibang organisasyon, grupo at samahan na kabilang sa Civil Society Organizations (CSOs) sa bayan ng Lingayen ngayong, ika-15 ng Agosto, 2024 na ginanap sa Lingayen Civic Center.

Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng iba’t ibang sektor gaya ng mga magsasaka, mangingisda, livestock raisers, samahan ng kababaihan, kabataan, senior citizen, persons with disability, barangay health workers, grupo ng mga negosyante at manggagawa, tricycle operators at drivers, at marami pang iba.

Ang mga sektor na ito ay mapapabilang sa mga komite gaya ng (1) Social Development, (2) Economic Development, (3) Infrastructure, Physical, and Land Use, (4) Environmental Management, at (5) Institutional Development, na siyang bubuo sa gagawing Municipal People’s Council sa ating bayan.

Lumahok din sa aktibidad ang ilang konsehal sa bayan gaya nina SBM JM Crisostomo, SBM Jolo Lopez, at SBM Jonathan Ramos. Gayundin ang ilang department managers na pinangungunahan ni Municipal Administrator Roberto DG Sylim.

Nagsilbi naman bilang resource speakers sina LGOO V Czarina G. Manuel ng DILG Pangasinan, Municipal Planning and Development Coordinator Arch. Nelco Paul P. Coquia, Sangguniang Bayan Secretary Gina A. Flores, at Provincial CSO Desk Officer Judith V. Cabillo.

Ayon kay Civil Society Desk Officer Van Macley Moulic, ang mga CSO ay may malaking gampanin sa mga aktibidad at proyekto na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan upang tiyak na matugunan ang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan.

“Maanos, Maseet, tan Makuli iray taga Lingayen..and I always pray and thank all of you for your love to our beloved town.” Ito naman ang naging mensahe ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa lahat ng tulong at suporta ng mga CSO para sa ikauunlad ng Lingayen.
Inaanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ang iba pang organisasyon at asosasyon na makilahok at sumama sa paghakbang tungo sa inklusibo at nagkakaisang komunidad. (MIO/JMMangapot)

MIO_RCSoriano

 

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan