Skip to main content

2ND BATCH NG DOLE-TUPAD BENEFICIARIES, SUMAILALIM SA ORIENTATION

Sumailalim na sa orientation ngayong araw, December 9, 2020 ang ikalawang batch ng mga benipesyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tulad sa unang batch, nasa isang daang mga manggagawa mula sa impormal na sektor at mga nawalan ng trabaho sa bayan ang muling makikinabang sa naturang job assistance.

Mismong si Mayor Leopoldo N. Bataoil ang nanguna sa nasabing aktibidad at sa kanyang pambukas na mensahe, binanggit nito na ang programa ng DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan ng Lingayen ay isang magandang oportunidad para mabigyan ng hanap buhay ang mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa nararanasang pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19).

Aniya, bagama’t pansamantala lamang, malaking tulong na umano ito lalo na sa mga kababayan na lubos na nangangailangan lalo na sa pananalapi.

“Alam ko, panandalian lang itong trabaho ninyo. Pero kahit papaano naman, makakatulong sa inyo, lalo na sa usaping pinansyal” ani Mayor Bataoil.

Layunin ng TUPAD na bigyan ng trabaho sa loob ng labing anim (16) na araw ang mga benipesyaryo kapalit ng paglilinis ng mga barangay sa bayan.

Makakatanggap naman ang mga ito ng sweldong hindi bababa sa minimum wage na umiiral sa bayan at entitled din ang mga benipesyaryo ng pang-isang taon na Accident Insurance na nagkakahalaga naman ng P50,000 sakali man na may di inaasahang mangyari habang sila ay nagtrabaho. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan