Skip to main content

2nd Youth Leadership Summit: Paghubog ng Kabataang Lider Tungo sa Adbokasiya, Serbisyo, at Pangmatagalang Kapayapaan

Naging matagumpay ang isinagawang 3-araw na Youth Leadership Summit (YLS) ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa Limahong Tourism Center noong July 22 hanggang 24. Naisakatuparan ito sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) at 71st “Kaibigan” Infantry Battalion, kalakip ang suporta at gabay ni Mayora Josefina “Iday” V. Castañeda.
Bitbit ang temang “Kilos Kabataan: Empowering Youth Through Advocacy, Service, and Peace-Related Volunteerism,” layunin ng nasabing summit na palakasin ang kakayahan at kamalayan ng mga kabataan upang maging epektibong tagapagtaguyod ng kapayapaan at boluntarismo sa bayan.
Naidaos nang maayos ang programa katuwang ang MSWDO, LDRRMO, at DILG Lingayen, gayundin sa mahalagang suporta ng PNP-Lingayen, BFP-Lingayen, at Philippine Coast Guard.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14op15mQzA9/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan