
31ST CIVIL REGISTRY MONTH, IPINAGDIRIWANG
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ng Municipal Civil Registry Office sa pagdiriwang ng Civil Registry Month ngayong buwan ng Pebrero.
Ito ay may temang “Strengthening Civil Registration and Vital Statistics’ Digital Information: The Ways to Manage the New Normal”.
Sa pakiki-isa sa nasabing pagdiriwang, ihahatid at palalawakin pa ng LGU Lingayen ang libre nitong serbisyo.
Magkakaroon ng ONE-DAY FREE ISSUANCE OF CERTIFICATE kung saan, walang babayaran ang sinumang nais kumuha ng “Birth, Death, Marriage” certificate sa Pebrero 10, 2021 sa tanggapan ng Local Civil Registrar (LCR).
Nakatakda ding lumahok ang Lokal na Pamahalaan sa gaganaping motorcade na pangungunahan naman ng Philippine Statistics Authority o PSA sa bayan ng Calasiao.
Layon lamang ng CRM na mapahusay ang nationwide awareness at paalalahanan ang mamamayan ng kanilang tungkulin na magrehistro ng mga kaganapan hinggil sa kanilang katayuan pati na rin ang pagpapahalaga sa mga ligal, administratibo at istatistika ng mga mahahalagang mga dokumento sa Civil Registrar tulad ng mga birth certificate, death certificate at marriage certificates.
Ang taunang paggunita ay alinsunod sa Proclamation No. 682 o “Declaring the Month of February of Every Year as Civil Registration Month” na nabigyang bisa noong Enero 28, 1991 na nilagdaan ni dating Pres. Corazon C. Aquino. (MIO)