Skip to main content

4-DAY WORKWEEK IPATUTUPAD SA MGA KAWANI NG LGU LINGAYEN


Ipapatupad na ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang 4-day work week o apat na araw na trabaho sa loob ng isang linggo.

Sa bisa ng Executive Order No. 31 series of 2022 na inilabas ni Mayor Leopoldo N. Bataoil o mas kilala sa “Adopting Flexible Work Arrangements in the Municipal Government of Lingayen, Pangasinan”, dito ay magkakaroon na ng bagong working arrangement ang mga empleyado sa munisipalidad.

Sa ilalim ng sistema, kailangang magserbisyo ang mga kawani ng 10 oras kada araw na duty upang mabawi at makumpleto pa rin ang 40 oras na trabaho sa isang linggo.

Mula sa dating 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon na working hours, ay magiging 7:00am na ito hanggang 6:00pm, Lunes hanggang Huwebes.

Kabilang sa mga opisinang sakop ng 4-day work week ay ang mga sumusunod:
1. Office of the Mayor
2. Sangguniang Bayan Legislative
3. Sangguniang Bayan Secretariat
4. Office of the Municipal Administrator
5. Human Resource Management Office
6. Office of the Municipal Planning and Development Coordinator
7. Municipal Budget Office
8. Municipal Accounting Office
9. Municipal Information Office
10. Municipal Legal Office
11. Municipal Agriculture Office
12. General Services Office
13. Municipal Tourism Office

Compressed Workweek o skeleton workforce naman ang iiral sa mga frontline offices ng munisipalidad. Ibig sabihin, magbubukas pa rin ang kanilang mga tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon, ngunit sa limitadong bilang lamang ng kawani. Kabilang sa mga opisinang ito ay ang mga sumusunod:

1. Local Civil Registrar Office
2. Municipal Treasurer’s Office
3. Municipal Assessor’s Office
4. Municipal Engineering Office
5. Municipal Social Welfare and Development Office

Regular Working Hours naman o dati pa ring iskedyul (Mondays to Fridays / 8:00am to 5:00pm) ang susundin ng mga sumusunod na opisina.
1.RHU 1
2.RHU 2
3.RHU 3

Samantala, bilang mga field work o nasa labas ng kanilang tanggapan ang trabaho, ay ipagpapatuloy pa rin ng mga sumusunod na opisina ang kanilang nakasanayang iskedyul o working hours.

1. Market and Slaughterhouse- continuous operation from Monday to Sunday
2. LDRRMO- 24/7 operation a mandated by law
3. MENRO – 5:00 AM – 11:00 PM, 7 Days a week
4. POSO & Municipal Security

Epektibo ang nasabing EO sa susunod na Lunes, Hulyo 11, 2022. Inaasahang makakatulong sa mga empleyado ng munisipalidad ang pagbabawas ng araw ng kanilang trabaho dahil bukod sa makakatipid sa gastusin tulad na lamang gasolina at pamasahe ay mabibigyan din ang mga ito ng pagkakataon na makapiling sa mahabang panahon ang kanilang pamilya. Makakabawas din ito sa konsumo ng kuryente ng Municipal Hall.

Ang nasabing kautusan ay ibinase sa Memorandum Circular No. 6 series of 2022 ng Civil Service Commission (CSC) kung saan kanilang isinulong ang 4-day work week para sa lahat ng mga government offices sa bansa. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan