Skip to main content

45TH NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK, IPINAGDIWANG

Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week.
Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Aksesibilidad at Karapatan ng mga taong may kapansanan: Daan tungo sa sustenableng kinabukasan na walang maiiwan”.
Tampok sa selebrasyon ay ang iba’t ibang aktibidad na isinagawa ngayong linggo tulad ng libreng serbisyong medikal at dental, tree planting activity, at ang health and wellness sa pangunguna ng lokal na pamahalaan, katuwang ang Lingayen Federation of Persons with Disabilities na pinamumunuan ni Ginoong Eon Chris Mendoza, ang Municipal Social Welfare Office at iba pang departamento na layong matulungan ang mga kababayang PWDs.
Sentro naman ng aktibidad ngayong araw, ika-20 ng Hulyo, 2023 ay ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyales ng Lingayen Federation of Persons with Disabilities sa harap ni 2nd District Board Member Philip Theodore Cruz, bilang kinatawan ni 2nd District Congressman Mark O. Cojuangco.
Idinaos rin ang patimpalak na Awit ng Tanghalan PWD Edition, kung saan ay naipamalas ng mga ito ang kanilang mga abilidad at talento sa kabila ng kanilang kondisyon.
Layunin ng naturang selebrasyon na maipabatid ang tunay at pantay-pantay na serbisyo publiko para sa lahat ng walang pinipili anuman ang kalagayan sa buhay.
“Kaisa ninyo kami sa Sangguniang Bayan at sa lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pagsulong ng inyong mga karapatan na nararapat lamang na inyong makamtam bilang isang malaking sektor na bumubuo sa bayan. ” Ito ang naging pahayag ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, na siyang kumatawan rin kay Mayor Leopoldo Bataoil sa selebrasyon.
Bagaman hindi nakadalo sa naturang aktibidad, tinitiyak ni Mayor Bataoil na sa bawat proyekto at inisyatibo na inilulunsad ng lokal na pamahalaan ay saklaw nito ang kapakanan, kaligtasan, at pangangailangang dapat matugunan para sa mga miyembro ng PWDs. (MIO/JMMangapot)
📸MIO/KPaulo
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan