Skip to main content

Pagbisita ni Cong Chel Diokno sa Lingayen

Isang mainit na pagsalubong ang inihandog ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen, sa pangunguna ni Municipal Mayor Josefina “Iday” Castañeda, kay Akbayan Partylist Representative Chel Diokno sa kanyang isinagawang courtesy call ngayong araw.
Naging sentro ng kanilang maikling pagpupulong ang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pambansang lehislatura at ng ating lokal na pamahalaan. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga iisang layunin tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
Welcome to the Capital Town of Pangasinan, Cong. Chel Diokno! Maraming salamat po sa inyong pagbisita!
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan