Moday Flag Raising Ceremony
Pinangunahan ng Municipal Tourism Office ang Flag Raising Ceremony ngayong araw.
Kasama ang mga opisyal at empleyado, muling ipinakita ng lokal na pamahalaan ang pagkakaisa nito para sa serbisyo publiko. Nagbigay rin ng inspirasyon at makabuluhang mensahe sina Konsehal Jonathan Ramos at Konsehal Jolo Lopez sa lahat ng mga kawani.
Sa pagsisimula ng bagong linggo, patuloy ang paninindigan ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen na maghatid ng tapat at de-kalidad na serbisyo para sa lahat.