Skip to main content

4th Batch ng mga Iskolar ng Bayan, Tumanggap ng Financial Assistance

Tinanggap ng tinatayang isang daang (100) 1st year college students mula sa bayan ng Lingayen ang kanilang stipend o educational assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Lingayen ngayong ika-28 ng Nobyembre, 2023.
Ang mga estudyante ay ang ika-apat na batch ng mga Iskolar ng Bayan ng Lingayen o ang mga nakapasa sa pinakahuling Lingayen Scholarship Program Qualifying Exam.
Personal na nagpa-abot ng kanyang pagbati sa mga ito si Vice Mayor Mac Dexter Malicdem na siya ring kumatawan kay Mayor Leopoldo N. Bataoil na kasalukuyang nasa isang prior na schedule sa Marikina City.
Hindi man nakadalo sa naturang aktibidad, malugod ang alkalde dahil maraming mga kabataan ang patuloy na nagsusumikap para lang makapag-aral. Dagdag aniya, titiyakin ng lokal na pamahalaan na susuportahan at tutulungan ang mga iskolar hanggang sa makapagtapos ang mga ito ng kanilang pag-aaral.
Ipinaalala rin nina Coun. Jolo Lopez, Chairman ng Committee on Education at Coun. JM Crisostomo may akda ng Lingayen Scholarship Ordinance na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkaloob sa mga ito sa tulong people’s money o buwis na ibinabayad ng taumbayan.
“Huwag tumigil sa pag-aaral o magsawang matuto”, ito naman ang paulit-ulit na payo nina Coun. Jonathan Ramos at Coun. Rod Morosi sa mga 1st year students.
Ang unang batch ng Lingayen Scholarship Program ay nagsimula noong taong 2019 at sa kasalukuyan, ito na ang ika-4th batch.
Ang mga mag-aaral ay tumanggap ng limang libong pisong (P5,000) educational assistance at makakatanggap hanggang sa magtapos ng kanilang kurso ng apat na taon sa bisa ng Municipal Ordinance No. 78-2019 o Iskolar Ako ng Bayan Ordinance. (MIO_MVR/JMMangapot)
📸MIO/CCacondangan/RCSoriano

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan