• Home
  • Community
  • News
  • News
  • 50 MAG-AARAL MULA LINGAYEN NAKATANGGAP NG SCHOLARSHIP MULA SA ISANG PAARALAN SA DAGUPAN

50 MAG-AARAL MULA LINGAYEN NAKATANGGAP NG SCHOLARSHIP MULA SA ISANG PAARALAN SA DAGUPAN


Limampung (50) mga estudyante dito sa bayan ang maswerteng nabigyan ng scholarship grant mula sa paaralan ng Escuela de Nuestra Señora de La Salette sa syudad ng Dagupan.

Nanguna dito si Councilor Dexter Malicdem na siya ding naging daan upang maisakatuparan at maibigay ang nasabing programa sa mga kabataang Lingayenense.

Kwalipikado dito ang mga incoming Grade 11 students ngayong taon at ayon sa konsehal, wala umanong Entarance Examination at Maintaining Grade dito. Maging ang mga libro, uniform, tuition fee, miscellaneous fee ay wala aniyang bayad at libre itong ibibigay sa mga benipesyaryo.

Dagdag pa ni Malicdem, ang mga estudyante ay malaya ding pumili ng kanilang gugustuhing academic track at ang tanging kelangan lamang nilang gawin ay tapusin ang kanilang dalawang taong pag aaral.

Kapag natapos naman ang mga ito, maaari silang i-endorso ng nabanggit na paaralan sa La Salle Manila upang mabigyan muli ang mga ito ng panibagong scholarship grant pagtungtong sa kolehiyo.

Ayon kay Councilor Malicdem, layunin ng inilakad nitong programa na mabigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag aaral ng mga kabataan sa bayan na hirap sa kanilang buhay.

“Instead na tumigil sila, instead na isakripisyo nila yong pag aaral nila, ituloy na lang dito sa libreng scholarship. Wala silang babayaran, mag-aral silang mabuti upang makamit nila ang kanilang mga pangarap ” pahayag ng konsehal.

Isa si Kimberly Delos Santos, 17-anyos at tubong Brgy. Libsong East sa mg maswerteng nabigyan ng scholarship grant Escuela de Nuestra Señora de La Salette.

Lubos umano ang kanyang pasasalamat sa naturang eskwelahan, kay Konsehal Malicdem at sa Lokal na Pamahalaan ng Lingayenb sa pamumuno na rin ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa ibinigay na oportunidad sa tulad nitong estudyante.

Malaking bagay na para sa kanya aniya ang mapabilang sa listahan ng mga napagkalooban ng scholarship assistance at nangako itong pagbubutihin ang kanyang pag-aaral.

Ang mga estudyanteng nabigyan ng scholarship grant ay maaaring pumili sa tatlong method ng programa– online, modular o face to face(kung ito’y papayagan na). (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan