PAALALA SA PUBLIKO
PAALALA SA PUBLIKO
Ipinagbibigay-alam ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen na magsasagawa ng pag-aaral ang Department of Energy (DOE) sa mga barangay ng Baay, Balococ, at Quibaol simula ngayong Biyernes, July 31, hanggang Sabado, August 1.
Bilang bahagi ng kanilang proyekto, mayroong mga inilagay na “nodes” sa ilang bahagi ng kalsada (makikita ang ruta sa kalakip na mapa). Ang mga kagamitang ito ay ginagamit upang mangolekta ng mahahalagang datos mula sa pagdaan ng truck.
Mahigpit na nakikiusap ang DOE at ang pamahalaang bayan sa lahat na ingatan at huwag galawin, sirain, o alisin ang mga nasabing nodes upang hindi maantala ang isinagawang pag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!