2nd YOUTH LEADERSHIP SUMMIT 2026: A 3-DAY JOURNEY OF LEADERSHIP, SERVICE, AND PEACE
2nd YOUTH LEADERSHIP SUMMIT 2026: A 3-DAY JOURNEY OF LEADERSHIP, SERVICE, AND PEACE
Panoorin ang mga kaganapan at ang naging makabuluhang paglalakbay ng ating mga kabataan sa ginanap na 2nd Youth Leadership Summit (YLS) noong nakaraang July 22 hanggang 24, 2026 sa Limahong Tourism Center.
Bitbit ang temang “Kilos Kabataan: Empowering Youth Through Advocacy, Service, and Peace-Related Volunteerism,” tatlong araw na pinalakas ang kaalaman, disiplina, at kamalayan ng ating mga kabataan upang maging epektibong katuwang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa bayan.
Ang matagumpay na 3-araw na youth camp ay naisakatuparan sa ilalim ng gabay ni Mayora Josefina “Iday” V. Castañeda, sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) at 71st “Kaibigan” Infantry Battalion ng Philippine Army, katuwang ang Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, SK Federation of Lingayen, LTCAO, MSWDO, LDRRMO, Municipal Health Office (RHU I, II, III), General Services Office (GSO), DILG Lingayen, PNP Lingayen, BFP Lingayen, at Philippine Coast Guard.
Padayon, Kabataan ng Lingayen!