Skip to main content

ABISO SA PUBLIKO

Ngayong Agosto 26, 2026, 9:00 AM, umabot sa 275.45 MASL ang water level ng San Roque Dam.

Bilang precautionary measure dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, magkakaroon ng regulated pre-release na 150 cubic meters per second (cms) mula sa Low-Level Outlet (LLO), simula 5:00 PM ngayong araw.

Ang LLO ay isang controlled outlet na hiwalay sa spillway gates at turbine ng San Roque Dam. Ang pre-release ay bahagi ng paghahanda sa posibleng pagtaas ng tubig dulot ng patuloy na pag-ulan.

Pinapayuhan ang mga komunidad na malapit sa Agno River na lumayo muna sa ilog. Iwasang tumawid, maligo, o mamangka at manatiling alerto sa mga susunod na abiso.

Walang dapat ikabahala, ngunit mahalagang manatiling handa at updated. Patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na abiso mula sa mga kinauukulang awtoridad at DRRMO.

Source : National Power Corporation

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan