
ADVISORY!Sumulat ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa mga Telecommunication/Cable Companies upang Isaayos ang kanilang Wirings na may Bantang panganib sa Kaligtasan ng Publiko
Sumulat ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa mga telecommunication/cable companies upang isaayos ang kanilang wirings na may bantang panganib sa kaligtasan ng publiko at inaatasang ilipat ang mga kable sa mga bagong poste ng CENPELCO nang hindi lalagpas ng February 15, 2021 sa mga pangunahing kalye partikular sa Pobacion area.
Asahan naman ang pagtatanggal o pagbunot ng mga lumang poste na isasagawa ng LGU sa mga lugar na ito matapos mag-expire ang palugit na ibinigay sa mga telcos.
Hinihiling ang pang-unawa ng publiko sa maaring idulot na abala. Ito ay bilang pagtalima rin sa ipinatutupad na Road Clearing Operation 2.0 ng DILG.
Maraming salamat po.