
AGSUSUNOG NG BASURA, IPINAGBABAWAL SA BATAS. LGU LINGAYEN, NAGPAALALA
Muling ipinaalala ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga natuyong dahon o anumang uri ng basura dahil sa masamang epekto nito sa kapaligiran pati na sa kalusugan.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO Lingayen, labag sa batas ang pagsusunog ng kahit na anong uri ng basura dahil ito ang pangunahing sanhi ng air pollution.
Ayon sa Republic Act 9003 o ang Ecological Waste Solid Waste Management Act Sec. 48 Paragraph 3 na kung sino man ang napatunayang may paglabag sa nabanggit na batas ay maaaring makulong ng isa hanggang labinlimang araw at maaaring pagmultahin P300 hanggang P1,000.
Sa katunayan, tuloy-tuloy ang monitoring ng ilang kawani ng MENRO sa bawat barangay upang matiyak na sumusunod ang lahat sa ipinatutupad na batas.
Pinaalalahanan din umano ang lahat ng mga Brgy. Officials na bantayan ang kanilang mga nasasakupan at hikayatin sa responsableng pamamaraan ng pagdispose ng basura.
Ayonnsa mga oag-aaral ang pagsusunog ng dahon at anumang uri ng basura ay nagtataglay ng carbon monoxide at benzopyrene na nagbabawas ng hangin sa ating dugo kapag nalanghap. Maaari ring makuha ang sakit na asthma, emphysema, lung disease at heart disease ang pagsusunog ng dahon.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng kampanya ng LGU Lingayen na mapababa ang masamang epekto ng pagsusunog sa kalikasan at kalusugan ng tao. (MIO)
📸 CTTO