AKO SI URDUJA: Ang Lakas ng Filipina
Magandang buhay, mga kabaleyan! Samahan ninyo kaming salubungin ang Marso at ipagdiwang ang lakas at galing ng Filipina. Sama-sama nating buhayin ang diwa ni Princess Urduja sa bawat kababaihan ng Lingayen. Lagi’t lagi nating tandaan na BABAE KA, HINDI BABAE LANG.
Talaga namang ang sarap maging babae lalo na sa bayan ng Lingayen. Narito ang mga programa at aktibidades na inihanda ng ating lokal na pamahalaan para sa ating mga kababaihan.
Sa pamumuno ng ating alkalde na si Mayor Leopoldo N. Bataoil at bise-alkalde na si Vice Mayor Juday De Leon Vargas, kasama ang Philippine National Police at JCI Lingayen Bagoong at bilang suporta sa Philippine Commission on Women, sabay-sabay nating ipagdiwang ang buwan ng kababaihan.