
AKTIBIDAD PARA SA PAGDIRIWANG NG 47TH NUTRITION MONTH SA BAYAN, PINAGHAHANDAAN NA
Isinusulong ng Municipal Health Office o MHO Lingayen ang pagkunsumo ng masustansyang pagkanin bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.
Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1000 Days Tutukan”.
Bilang paghahanda sa naturang okasyon, nakatakda ang mga aktibidad na itatampok tulad ng “Cookfest” ng mga pagkaing mura subalit masustansya na lalahukan ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) mula sa tatlumpu’t dalawang (32) barangay sa bayan na gaganapin sa ika-26 ng Hulyo, 2021.
Hahatiin ang mga BNS sa grupo at dito ay magkakaroon ng iba’t ibang kategorya nang ilulutong pagkain. Ang putahe ay depende sa kategoryang mabubunot ng kada grupo.
Narito naman ang criteria for judging:
-Nutritive Value (35%)
-Economical Value (20%)
-Palatability (20%)
-Presentation (10%) at
-Originality (15%)
Tatlong libong piso (P3,000) ang premyong ibibigay sa makakakuha ng 1st prize, dalawang libong piso (P2,000) sa 2nd prize habang isang libo at limang daang piso (P1,500) naman para sa 3rd prize.
Magkakaroon din ng consolation prize na nasa halagang isang libong piso (P1,000) para sa mga di papalaring kalahok.
Samantala, muli namang hinihikayat ng MHO ang publiko na maki-isang kumilos upang mabawasan ang malnutrisyon sa bayan na siya na ring pangunahing layunin ng tema sa taong ito.
Paliwanag ng naturang tanggapan, mapapagtagumpayan lamang ang malaking problema sa malnutrisyon kung magtutulungan at magkakaisa ang lahat sa pagtangkilik sa pagkain ng gulay – na hindi lang nakakatipid sa bulsa, kundi tikay na masustansya. (MIO)