Skip to main content

Ang El Niño ay isang natural na climate phenomenon na nangyayari kapag mas umiinit kaysa karaniwan ang tubig sa gitna at silangang bahagi ng Pacific Ocean.

Dahil dito, nagbabago ang normal na galaw ng ulan, hangin, at temperatura sa maraming bahagi ng mundo.

☀️ Ano ang maaaring epekto ng El Niño sa Pilipinas?

🌡️ Mas mataas na temperatura at mas matinding init.

💧 Mas kaunting ulan o mas mahabang tuyong panahon sa ilang lugar.

🚰 Kakulangan sa tubig para sa inumin, tahanan, at agrikultura.

🌾 Pagbaba ng ani dahil sa kakulangan ng tubig.

🔥 Mas mataas na panganib ng sunog, lalo na kapag tuyong-tuyo ang kapaligiran.

🐟 Maaaring maapektuhan ang pangingisda at iba pang kabuhayan.

🏥 Mas mataas na panganib ng heat-related illnesses gaya ng heat exhaustion at heat stroke.

💡 LDRRMO TIP:

Magtipid ng tubig, iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, at laging makinig sa mga abiso ng PAGASA at inyong LDRRMO.

“SAY TOO YA PREPARADO, ALERTO TAN ALISTO, ARAWI ED RISGO!”

For emergency response-related concerns, please contact:

LDRRMO Lingayen

  • Telephone No.: (075) 653-7515

  • Mobile No.: 0919-099-2230

Municipal Information Office – Lingayen, Pangasinan

#ldrrmoinaction #ldrrmorescue #ldrrmolingayen #IDAYewTayoyLingayen

 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/14x8XbzMxQ1/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan