Ang Unang LEAD (Lingayen Employees Appreciation Day)
Ipinagmamalaki naming ipahayag na pormal nang ginaganap ang pinakaunang LEAD: Lingayen Employees Appreciation Day ng LGU Lingayen.
Higit sa lahat ng trabaho, mahalaga ang inyong kapakanan at dedikasyon. Kaya naman, para bigyan-halaga ang inyong serbisyo, pansamantala nating isasantabi ang trabaho at ipagdiriwang ang araw na ito para sa inyo.
Lubos na pasasalamat sa ating Human Resources Management Office (HRMO), sa pangunguna ni Ma’am Judy Vargas – Quiocho at kanyang mga kasama sa pag-oorganisa ng napakahalagang araw na ito.
Mabuhay ang mga Empleyado ng LGU Lingayen!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1G8PNciGpV/









