
ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL SPECIAL AWARD IGINAWAD SA BAYAN NG LINGAYEN
Muling ginawaran ng parangal ng Anti-Drug Abuse Council ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil matapos mapanatili ang drug-cleared status sa 32 barangayS sa bayan.
Nagkaroon ng isang simpleng seremonya nang pagpaparangal kahapon, Agosto 26, 2021 na ginanap mismo sa tanggapan ng alkalde.
Personal na iginawad ni DILG Region 1 LGMED Division Chief Rhodora G. Soriano at Pangasinan Cluster Leader 1 Rogelio Quitola kay Mayor Bataoil the 2020 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) SPECIAL AWARD bilang pagkilalal sa natatanging paggganap sa tungkulin at pakiki-isa sa anti-illegal drug campaign ng national government.
Ang Anti-Drug Abused Council (ADAC) special award ay ibinibigay sa isang siyudad o munisipalidad na napanatili ang estado bilang drug-cleared sa kanilang mga Drug-Affected Barangays.
Layon din nito na mas kilalanin pa, hindi lamang ang mga lokal na pamahalaan, ngunit pati na rin ang mga civil society organizations na napagtatagumpayan ang pagsupil sa problema ng droga sa kani-kanilang lugar, kasabay ng kampanya ng pambansang gobyerno laban dito.
Simula taong 2017 ay pinaigting na ng LGU Lingayen ang pagtugon nito sa problema ng ipinagbabawal na gamot sa tulong na rin ng mga binuo at itinalagang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC sa bawat barangay.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan katuwang ang PNP na ipagpapatuloy nito ang mga naumpisahan ng mga programa at ang walang tigil na pagsisikap upang puksain ang problema sa usapin ng ilegal na droga kahit pa ngayong nakakaranas ang bansa ng pandemya. (MIO)