
APLIKASYON PARA SA BFAR FISHERIES SCHOLARSHIP, NAGSIMULA NA
Kinompirma ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen na nagsimula ng tumanggap ng aplikasyon para sa ‘2020 fisheries scholarship program’ ang opisina Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ito’y upang mabigyan ng pagkakataon na makapag aral ang mga estudyanteng nais kumuha ng apat na taong kurso sa fishery.
Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, layunin ng nasabing programa na mahikayat ang mga mag aaral na pumasok sa larangan ng industriyang pangisdaan na kalaunan ay makakatulong umano upang mas maitaas ang antas nito sa bansa.
Mayroon aniyang tatlong uri ang fisheries scholarship program na hatid ang BFAR.
1.Industry Leaders Grant- para sa mga high school graduates na kasali sa top 10 percent ng graduating class
2.Fisherfolk Children Educational Grant- ito ay nakalaan para sa mga estudyante na anak ng mga mangingisda at
3. Indigenous Cultural Communities (ICC) & Indigenous People (IP)- para naman sa mga mag aaral na kabilang sa isang pangkat o katutubo
Kailangan lamang na magsumite ng application form na makukuha sa Municipal Agriculture Office ang hindi tataas ng 25 taong gulang at may certificate of residency na anim na buwan. Ilan pa sa mga requirements na kinakailangang dalhin ay ang mga sumusunod:
-original copy of birth certificate
– certified true copy of report card
– certificate of good moral character
– two recent 2×2 photos
Ang huling araw sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa darating na Oktubre 30 habang sa Desyemebre 5 naman ang entrance examination sa mga state universities na nag-ooffer ng kursong fisheries.
Bukod sa matrikula, ang mga mkwalipikadong scholar ay bibigayn ng P4,000 buwanang stipend, Php2,000 book allowance per semester; Php3,000 practicum allowance; Php7,000 cash assistance para sa thesis writing; and Php1,500 support. (MIO)