ASOSASYON NG MGA KAWANI NG LGU LINGAYEN, MAY BAGO NG MGA OPISYALES

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang eleksyon para sa mga bagong opisyal ng Municipal Employees Association of Lingayen o MEAL noong Abril 5, 2021.

Ang MEAL ay isang asosasyon na nagtataguyod ng mga empleyado sa lokal na pamahalaan. Ito ang gabay para sa maayos na samahan ng bawat isa, dekalidad na pagbibigay serbisyo publiko pati na ang pagkakaroon ng mga magagandang programa para sa kapwa empleyado.

Bago ang nasabing halalan, nag-iwan muna ng mahalagang mensahe si Mayor Bataoil sa kanyang mga kapwa public servants. Unang ipinanawagan nito ang maayos na samahan at pagkakaisa kahit pa ang mga nahalal na bagong opisyal ay mula sa iba’t ibang tanggapan o opisina.

Aniya, bawat isa sa mga ito ay may malaking responsibilidad na gagampanan nang may disiplina, dahil anumang aksyon o pag-uugali na kanila umanong ipapakita sa publiko ay magiging repleksyon o salamin sa kanyang pamumuno.

Hiling din ni Mayor Bataoil na mangunguna ang mga ito sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaunlaran at progreso ng bayan at kanya ding inaasahan na mapanatili nila ang isang malinis na rekord bilang mga bagong lider ng nabanggit na asosasyon.

“I would like to assure you that as your Mayor, I am very much concern of your career advancement and performance because this is the reflection of my leadership. Whatever you do on the ground reflects on me as your Mayor” pahayag ng alkalde.

Buo naman ang pagsuporta ng mga dating opisyal ng MEAL sa mga bagong halal na opisyales nito. Samantala, narito ang bagong set of officers ng Municipal Employees Association of Lingayen:

President: Kathyren D. Dungca (Tourism Office)
Vice President: Adamson T. Mina Jr. (Market & Slaughterhouse)
Secretary: Carla T. Cacatian (MSWDO)
Sub-Secretary: Ferline Aquino (HRMO)
Treasurer: Francis Estrada (Treasury Office)
Asst. Treasurer: Danne Faye Velasco (Accounting Office)

PROs: Patrick Santos (GSO) & Kimpee Jayson Cruz (LDRRMO)
Auditors: Sinderella Sison (Assessor’s Office) & Frederick De Guzman (Information Office)
Business Managers: Mary Shine Adrayan (Mayor’s Office) & Bien Allyn Tandoc (LCR)
Sergeant at Arms: Emerson Ray Moises (Budget Office) & Bejie Dela Cruz (Agriculture Office)

*Board of Directors
1. Edgar Sison (Vice Mayor’s Office)
2. Realyn Ferrer (SB Secretariat)
3.Remando Malogan (MPDC)
4. Gabriel Macaraeg (RHU 1)
5. Kieth Vincent Jimenez (Engineering Office)
6. Gervacio Santos (MENRO)
7. Kateleen Estor (RHU 2)
8. Blesilda Casipit (Administrator’s Office)
9. Arnulfo Manuel (Sanitation)
10. Benjie Gumapos (HRMO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan