AUGUST 03, 2026 | WORK SUSPENSION
AUGUST 03, 2026 | WORK SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko ang SUSPENSION NG TRABAHO sa mga opisina ng gobyerno sa bayan ng Lingayen ngayong araw, August 03, 2026 (Lunes).
Ang hakbang na ito ay bunsod pa rin ng patuloy na pag-ulan at masamang panahon na dala ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Depression “Luis,” upang masiguro ang kaligtasan ng mga kawani ng gobyerno at ng buong publiko.
Ang mga tanggapan na nagbibigay ng basic, health, frontline, at emergency services (tulad ng LDRRMO, MHO, PNP, BFP, at iba pang katuwang na ahensya) ay hindi sakop ng suspensyon at mananatiling naka-antabay para sa pagtugon sa anumang sakuna.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa loob ng bahay, maging alerto sa mga susunod na ulat panahon, at laging mag-ingat.