AUGUST 07, 2026 | CLASS SUSPENSION
AUGUST 07, 2026 | CLASS SUSPENSION
Alinsunod sa Executive Order No. 60, Series of 2026, ipinagbibigay-alam sa publiko na WALANG PASOK bukas, AGOSTO 7, 2026 (BIYERNES), sa lahat ng antas (ALL LEVELS) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Lingayen.
Ang suspensyon ay ipinatupad batay sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) dahil sa patuloy na epekto ng Bagyong Maymay at ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon), na nagdudulot ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan at nagbabadya ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nasa ligtas na lugar, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at ulat ng panahon, at pairalin ang ibayong pag-iingat sa lahat ng oras.