Skip to main content

AUGUST 10, 2026 | CLASS SUSPENSION

AUGUST 10, 2026 | CLASS SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na WALANG PASOK bukas, Agosto 10, 2026 (Lunes), sa lahat ng antas (ALL LEVELS) para sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Lingayen.
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon). Marami sa mga bahagi ng Bayan ng Lingayen ang patuloy na bumabangon mula sa pagbaha, habang may ilang lugar na nakararanas pa rin ng patuloy na pagbaha.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan sa gitna ng patuloy na masamang panahon.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na abiso at ulat ng panahon, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1FY3WkcaXF/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan