Skip to main content

AUGUST 10, 2026 | WORK SUSPENSION

AUGUST 10, 2026 | WORK SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na SUSPENDIDO na rin ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa bayan ng Lingayen bukas, Agosto 10, 2026 (Lunes).
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon), gayundin ng patuloy na pagbaha sa ilang bahagi ng bayan. Layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga kawani ng pamahalaan at ng publiko.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at ulat ng panahon, at pairalin ang ibayong pag-iingat.
Manatiling ligtas, Lingayense!
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/19Nh487TuH/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan