AUGUST 13-14, 2026 | CLASS SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na SUSPENDIDO pa rin ang mga klase sa LAHAT NG ANTAS sa mga pampublikong paaralan sa Bayan ng Lingayen sa Huwebes at Biyernes, Agosto 13 at 14, 2026.
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat dahil sa patuloy na epekto ng Habagat at mga nagdaang bagyo, na nagdulot ng pagbaha sa maraming paaralan sa bayan. Patuloy din itong nagdudulot ng banta ng karagdagang pagbaha sa iba pang bahagi ng Lingayen.
Para naman sa mga pribadong paaralan, ang pagsususpinde ng klase sa mga nabanggit na petsa ay nasa pagpapasya ng kani-kanilang administrasyon.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1BqMsag8nr/