Skip to main content

AUGUST 18, 2026 | PUBLIC ADVISORY

Ipinagbibigay-alam sa publiko na mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Lingayen bukas, Agosto 18, 2026 (Martes). Sa halip, ipatutupad ang Alternative/Modular Learning bilang learning modality.

Samantala, ipatutupad naman ang alternatibong work arrangement para sa mga opisina ng gobyerno sa Bayan ng Lingayen bilang pag-iingat sa patuloy na masamang panahon.

Ang mga hakbang na ito ay bunsod ng Orange Rainfall Warning na nakataas sa Pangasinan ayon sa DOST-PAGASA, kasabay ng patuloy na pagbaha sa maraming barangay at kondisyon ng ilang kalsada na hindi madaanan ng mga light vehicles.

Hinihikayat ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, iwasan ang mga lugar na binabaha, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at ulat ng panahon.

Kaligtasan ng bawat Lingayense ang ating pangunahing prayoridad.

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1EuceraggD/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan