AUGUST 20, 2026 | CLASS & WORK ARRANGEMENTS
AUGUST 20, 2026 | CLASS & WORK ARRANGEMENTS
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Malacañang, ina-adopt ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang mga itinakdang hakbang para sa alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa mga paaralan bukas, Agosto 20, 2026 (Huwebes).
Kaugnay nito, ang mga tanggapan ng gobyerno sa Bayan ng Lingayen ay magpapatupad ng naaangkop na alternatibong work arrangement, habang ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ay magpapatupad ng alternative learning modes.
Ang mga tanggapan at kawani na kabilang sa basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso.
Kaligtasan at kapakanan ng bawat Lingayense ang ating prayoridad.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1HJTBqevnt/