Skip to main content

AUGUST 24, 2026 | LOCALIZED SUSPENSION

Ipinagbibigay-alam sa publiko na, alinsunod sa Executive Order No. 68, Series of 2026, kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng edukasyon, lalo na para sa mga mag-aaral na nasa mga lugar na madaling maapektuhan ng kalamidad.

Kaugnay nito, at alinsunod sa Department of Education Order No. 22, Series of 2024, ipinagkakaloob sa Schools Division Superintendent at mga School Head ang awtoridad na magpatupad ng suspensyon ng face-to-face classes at paglipat sa distance learning delivery modalities sa kani-kanilang paaralan, batay sa aktuwal na kalagayan at kanilang pagsusuri sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ang hakbang na ito ay upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng pagpapatuloy ng edukasyon at kaligtasan ng mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan para sa opisyal na abiso tungkol sa class arrangements para bukas, Lunes, Agosto 24, 2026.

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/19YxodBSyD/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan