Skip to main content

AUGUST 27, 2026 | CLASS ARRANGEMENT

Alinsunod sa Executive Order No. 74, Series of 2026, binibigyan ng awtoridad ang Schools Division Superintendent at mga School Head na magdeklara ng lokalisadong suspensyon ng face-to-face classes at magpatupad ng distance learning modalities bukas, Agosto 27, 2026 (Huwebes).

Ito ay bunsod ng patuloy na pagbaha sa ilang paaralan at sa naging epekto ng tuluy-tuloy na pag-ulan nitong mga nakaraang linggo, na nagdudulot pa rin ng banta sa kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral.

PAALALA: Ito ay HINDI awtomatikong suspensyon ng klase sa lahat ng paaralan. Pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan para sa opisyal na class arrangement.

 
 
 
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan