AUGUST 28, 2026 | FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na suspendido ang face-to-face classes at, sa halip, ay ipatutupad ang Alternative Learning Modes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Lingayen bukas, Agosto 28, 2026 (Biyernes).
Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng patuloy na epekto ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso at ulat ng panahon, at unahin ang kaligtasan sa lahat ng pagkakataon.
Kaligtasan ng bawat Lingayense ang ating pangunahing prayoridad.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EVEPj87AJ/