AUGUST 29, 2026 | FACE-TO-FACE CLASS SUSPENSION
Ipinagbibigay-alam sa publiko na suspendido ang face-to-face classes bukas, Agosto 29, 2026 (Sabado), at ipatutupad ang Alternative Learning Modes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Lingayen.
Ang hakbang na ito ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng pinalakas na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na patuloy na nagdudulot ng masamang panahon at ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bayan.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso.