Skip to main content

AYUDA MULA DEPARTMENT OF AGRICULTURE TINAGGAP NG MGA ASF-AFFECTED FARMERS SA BAYAN

AYUDA MULA DEPARTMENT OF AGRICULTURE TINAGGAP NG MGA ASF-AFFECTED FARMERS SA BAYAN
Pitumpu’t limang (75) hog-raisers na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF sa bayan ang nabiyayaan ng tulong mula sa Department of Agriculture.
Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen at Municipal Agricuture Office naipamahagi ang weaners o ang mga bagong hiwalay na biik kasama ang feeds sa mga nasabing qualified beneficiaries.
Bawat magsasaka ay tumanggap ng tig-tatlong (3) alagang biik at tig siyam (9) na 50 kilos ng starter feeds. Ang mga benipesyaryo ay mula sa Brgy. Namolan, Sabangan, Libsong East, Libsong West at Rosario na ipinamamahagi mula buwan mula Hunyo hanggang Agosto.
Bagama’t naipamahagi na, inihayag ng MAO Lingayen na ipagpapatuloy nito ang 40-day observation sa mga alagang biik at isusunod na kunin ang blood sampling. Kapag nagnegatibo dito ay maaari na umanong ipagpatuloy ng magsasaka ang pag aalaga o backyard hog raising.
Panawagan lamang ng lokal na pamahalaan sa mga benipesyaryo na panatilihin at regular na gawin ang backyard disinfection and cleaning upang masiguro ang kaligtasan at kalinisan ng mga alagang baboy. (MIO)
📸MAO Lingayen/DA RFO1

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan