BAGONG FIRE MARSHAL NG LINGAYEN, IPINAKILALA

Mainit na tinaggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang pagdating ng bagong hepe ng Bureau of Fire Protection o BFP Lingayen sa katauhan ni Senior Inspector Michael C. Samera.

Nagkaroon ng simpleng turnover ceremony kung saan ipinakilala ni outgoing BFP Lingayen Fire Marshal Senior Inspector Michael John V. Escaño si Samera bilang bagong mamumuno sa iiwan nitong tanggapan.

Nagpasalamat din ito sa lahat lalo na kay Mayor Bataoil dahil sa ipinakitang tiwala at pakiki-isa sa kanyang maikling panunungkulan.
Samantala, nangako naman si Samera na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya upang maayos na pamunuan ang bago nitong tanggapan.

Ipagpapatuloy niya umano ang lahat ng mga magagandang programa at proyekto na nasimulan ng dating BFP Chief tulad na lamang ng pagsasagawa ng rescue trainings sa iba’t-ibang ahensya at sector sa bayan.

Palalakasin din umano nito ang pakikipag-ugnayan sa barangay sapagkat ang mga ito aniya ang nasa first line of defense sa tuwing may sakuna or kalamidad.

“Kung ano po yong iniwan na mga programa ng dati po nating hepe, iyon po ang ipagpapatuloy ko lalo na po at ito ay para sa kapakanan ng ating mga kababayan” ani Samera.

Malugod namang inihayag ni Mayor Bataoil ang kaniyang buong pagsuporta sa bagong hepe ng Lingayen Fire Station at aniya sakaling mayroong mga pangangailangan ang mga ito ay huwag mag-atubiling lumapit at sabihin sa kanya.

Ang bagong hepe ng BFP Lingayen na si Senior Inspector Samera ay tubong San Carlos City at huling naglingkod sa tanggapan ng BFP Dagupan habang ang dating hepe naman dito na si Senior Inspector Escaño ay nakatakdang lumipat sa syudad ng Urdaneta para sa isang promotion. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan