Skip to main content

BAGONG RURAL HEALTH UNIT I, PINASINAYAAN

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga kawani ng Rural Health Unit I o RHU Central Lingayen sa pamumuno ni Dr. Sandra Gonzales dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng permanenteng tahanan sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.


Pinasinayaan ngayong araw, September 30, 2021 ang naturang gusali na matatagpuan sa bahagi ng Avenida Rizal West, Brgy. Poblacion sa bayan.

Pinangunahan naman ni Most Rev. Fidelis Layog ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan ang pagbabasbas sa buong gusali at maging sa mga ambulance at patient transport vehicle ng bayan.

Ayon kay Mayor Bataoil, ito umano ang katuparan sa pangarap na world class health care services para sa mga Lingayenense. Pinapurihan din ng alkalde ang mga frontliners na nagsasakripisyo ngayong panahon ng pandemya ngunit pinaalalahanan naman ang mga staff ng RHU na maging magiliw at maayos ang pakikitungo sa taumbayan at sa pagbibigay ng wastong serbisyo publiko.

Wala man umanong sapat na pondo, sinisikap na maibigay ang pangangailangan ng taumbayan, mga basic services partikular ang sektor ng kalusugan.

Ipinaabot nman ng kinatawan ni Governor Amado Espino III at Provincial Health Officer Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman sa pamamagitan ni Dr. Cielo Almoite ang kanilang pagbati sa panibagong proyektong ito ng lokal na pamahalaan. “We congratulate LGU Lingayen under the leadership of Mayor Leopoldo N. Bataoil in achieving another milestone and we thank you for all your dedicated services and accomplishments in the health services of Lingayen”, ani Almoite.

Ayon naman kay Coun. Randall Bernal na kumakatawan kay 2nd district congressman Jumel Espino, buo ang pagsuporta ng kasalukuyang adminstrasyon sa larangan ng kalusugan. Katunayan magbibigay umano sa mga bayan sa segundo distrito ng mga kagamitang medikal tulad ng weighing scale, thermometers, blood pressure apparatus at iba pa. At nangakong hindi mahuhuli dito ang bayan ng Lingayen.

Ipinagmamalaki naman ni Vice-Mayor Judy Vargas-Quiocho ang liderato ni Mayor Bataoil na walang sawang nagtatrabaho at nagdadala ng oportunidad para sa kanyang mga kababayan sa kabila ng mga pagpuna. ” Hindi po nakikita ng tao yung alas syete pa lang ng umaga o mas maaga pa nandyan na si Mayor nag-iinspect, alas syete na ng gabi nandyan pa si Mayor pumipirma pa ng dokumento. Kapag pumupunta ako sa opisina nila ang nakikita ko mga request letters, dahil hindi po lahat ng infrastructures na nakikita nyo sa bayan ng Lingayen ay galing pondo natin. We are very, very lucky that the Mayor has his connections na nakakapag-uwi ng pondo sa bayan natin.” Giit ng bise-alkalde.

Naroon din si Dr. Veronica De Guzman na kumakatawan kay DOH Region I Dir. Valeriano Lopez. Buo rin ang naging pagsuporta ng Sangguniang Bayan Members, mga department heads at mga kawani ng LGU Lingayen sa naturang aktibidad. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan