Skip to main content

Bagong SK Federation Officers ng Lingayen, Inihalal

Naging maayos at matiwasay ang idinaos na eleksyon ng Sangguniang Kabataan Federation sa bayan ng Lingayen ngayong araw, ika-14 ng Nobyembre 2023, sa Lingayen Civic Center.
Ang naturang eleksyon ay kumpletong dinaluhan ng lahat ng SK Chairpersons mula sa tatlumpu’t dalawang barangay sa bayan, at malayang ibinoto ang gusto nilang mailuklok sa pwesto bilang kanilang mga magiging kinatawan ng kanilang Samahan.
Matapos ang bilangan, nailuklok bilang bagong SK Federation President si Carissa Joyce C. Tuazon (Rosario), habang sina Eugene Paul S. Santos (Maniboc) naman ang Vice President, Sarah Mae R. Tuazon (Lasip) ang Secretary, Timothy John P. De Venecia (Namolan) ang Treasurer, Dianne O. Garcia (Domalandan Center) ang Auditor, Melvin jar M. Mercado (Bantayan) ang Public Relations Officer, at si Jose Pepito D. Gonzales (Estanza) ang nailuklok bilang Sergeant-at-Arms. Agad din namang nanumpa ang mga ito sa katungkulan sa presensiya ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen, katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) Lingayen, Commission on Elections (COMELEC) Lingayen, Local Youth Development Office (LYDO),at ng ilang departamento sa bayan.
Nagsilbi naman bilang mga Board of Election Supervisors (BES) sina COMELEC Lingayen Officer Reina Corazon S. Ferrer, Sangguniang Bayan (SB) Secretary Gina A. Flores, at si Municipal Local Governance Operations Officer (MLGOO) Gabriel G. Cornel. Tumayo naman bilang mga miyembro ng Panel of Observers sina Philippine National Police (PNP) Lingayen Chief of Police, PLTCOL Roderick Y. Gonzales, Federation of Senior Citizens Association President na si Ginoong John Casaclang, at ang Principal ng Padilla Central School na si Dr. Zenaida Cruz.
“Napalaki ng responsibilidad na naka-atang sa inyo, at bilang mga SK Officials, sana gampanan ninyo ang inyong katungkulan with responsibility and diligence at laging unahin ang kapakanan ng inyong kapwa kabataan. Mahalaga na isipin ninyo ang kapakanan ng bawat isa, lalo na ang inyong mga pinamumunuan. Serve them well, serve them with utmost responsibility,” ito ang naging pahayag ni COMELEC Officer Ferrer sa mga nanalo.
Dagdag naman ni MLGOO Cornel, nawa’y gampanan ng maayos ng lahat ng nanalong miyembro ng SK Federation at maging ang lahat ng SK Chairperson ang kanilang katungkulan bilang mga kinatawan ng mga kabataan ng kani-kanilang mga barangay.
Malugod namang binati ni Mayor Bataoil ang lahat ng nanalong miyembro ng SK Federation ng Lingayen gayundin sa lahat ng dumalong chairperson dahil nanguna ang kanilang “free will” sa pagboto . Dagdag aniya, nawa’y magkaisa silang lahat ng sa ganoo’y maging isang magandang ehemplo ito sa lahat ng kabataan sa bayan at nang pamarisan din ng ibang munisipalidad at siyudad sa lalawigan. (MIO_JMMangapot)
📸MIO/DDeGuzman/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan