
BAGONG SRP SA AGRI PRODUCTS INILABAS
Nagpalabas ang Market and Slaughterhouse Office ng bayan ng bagong set ng suggested retail price (SRP) para sa ilang agricultural products na ibinebenta sa palengke.
Kasunod ito ng mga reklamo ng ilang mga mamimili dahil umano sa biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang karne ng baboy.
Ayon kay Market Supervisor Arnulfo Bernardo ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy sa pamilihang bayan ay bunsod ng kakulangan sa suplay nito matapos tamaan ng African swine fever ang bayan noong mga nakalipas na buwan.
Kung dati aniya ay nakakapag angkat pa sa ibang bayan, ngayon ay pahirapan na umano dahil naging limitado na ito.
“Yong sa baboy, kaya mataas ang presyo niya kasi kakaunti na tapos limitado na dito sa probinsya natin. Maski nga yong ibang bayan na pinagkukuhanan natin, wala na rin suplay kaya kailangan na nating mag angkat sa ibang lugar like sa Pampanga” ani Bernardo.
Upang masiguro naman na walang umaabusong tindera dito, agad na naglabas ng SRP ang naturang tanggapan na pwedi umanong maging basehan ng mga mamimili.
Narito ang suggested retail price (SRP) na itinakda ng Market and Slaughterhouse Office:
PORK
- Laman – P320.00
- Liempo – P320.00
- Buto/Ribs – P300.00
- Ulo -P200.00
- Pata – P220.00
BEEF
- Laman- P350.00
- Buto/Ribs -P350.00
- Pinapaitan – P260.00
- Bulalo – P320.00
CHICKEN
- Laman – P160.00
- Wings -P160.00
- Paa/Ulo – P120.00
- Liver – P180.00
Samantala, nagbabala naman ang naturang tanggapan na papatawan ng karampatang parusa ang mga tindirang hindi susunod sa inilabas na suggested retail price sa baboy, manok at iba pang agricultural products. (MIO)