Skip to main content

BAKUNA PARA SA MGA CHIKITING LABAN SA POLIO, RUBELLA AT TIGDAS, SINIMULAN NA

Muling nagsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ng malawakang pagbabakuna kontra Tigdas, Rubella, at Polio.
Sinimulan itong ilunsad ngayong araw, ika-2 ng Mayo, 2023 kung saan target na bigyan ng bakuna o immunization ang mga batang nasa edad 0-59 buwan bilang dagdag proteksyon sa kanilang katawan.
Ayon sa Municipal Health Office o MHO Lingayen, libre ang naturang bakuna kung kaya’t kanilang hinihikayat ang mga magulang na makibahagi at lumahok dito. Dapat umanong tiyakin ng mga ito na kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Gaya ng nabanggit, magsisimula ang pagbabakuna ngayong ika-2 ng Mayo kung saan ginanap ang official launching nito sa Brgy. Libsong West Covered Court, habang ang ibang barangay ay naka-iskedyul sa mga sumusunod na araw:
May 2 – Brgy. Libsong West
May 4 & 5 – Brgy. Tonton
May 8-13 – Brgy. Poblacion
May 15-19 – Brgy. Maniboc
May 20 – Brgy. Pangapisan Sur & Dorongan
May 27-25 – Brgy. Pangapisan North
May 26-27 – Brgy. Libsong East
Maaaring magpalista o makipag ugnayan sa mga nakatalagang Barangay Health Workers o BHW ng mga barangay ang mga magulang na interesado sa naturang programa gayundin ang pagtanggap sa mga walk-ins.
Layunin ng MR-OPV na bakunahan ang lahat ng mga bata para mapigilan ang pagkalat ng tigdas, rubella na maaaring mauwi sa outbreak at polio naman na maaring magdulot ang pagkaparalisa.
Siniguro ng MHO Lingayen na walang dapat ikabahala ang publiko dito dahil ligtas at epektibo ang mga nabanggit na bakuna. (MIO_MRLlanillo)
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan