
BALLOT BOXES NA GINAMIT NOONG 2019 INIHAHANDA NA PARA MAGAMIT SA 2022 ELECTIONS
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng World Immunization Program ngayong huling linggo ng Abril.
Layunin ng naturang aktibidad na ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna.
Ayon sa Municipal Health Office, ang bakuna ay ang pinakamabisang paraan upang maka-iwas sa anumang uri ng sakit. Dahil dito, nanawagan ang naturang tanggapan na tangkilikin ang mga programa na may kinalaman sa bakuna.
Kabilang aumno dito ang immunization program para sa mga sanggol o infants (0-12 buwan) at mga bata. Pinapayuhan ang mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak sa kani-kanilang barangay upang makakuha ng libreng bakuna.
Maaaring makipag ugnayan sa kanilang mga barangay officials para sa iskedyul tulad na lamang ng eksaktong araw at lugar.
Bukod pa rito, kasama din sa pagdiriwang ng World Immunization Program ang pagpapatuloy ng vaccination program kontra COVID-19 sa mga medical at health workers sa bayan.
Ayon sa MHO, muling magkakaroon ng ikalawang bugso ng pagbabakuna sa darating na Mayo 4, 2021 habang sa Mayo 6 at 7 naman ay ang iskedyul ng vaccine sa mga kapulisan.
Target umano ng MHO na mabakunahan ang nasa isang daan at dalawampung (120) medical police ng Pangasinan Police Provincial Office o PPPO.
Bagama’t may bakuna, mahigpit pa ring ipinapaalala ng Municipal Health Office sa mga kababayan na sundin pa rin ang mga umiiral at ipinapatupad na health protocols upang maiwasan ang pinangangambahang pagkakahawaan ng virus o COVID-19 transmission. (MIO)