Skip to main content

BANTAY ASF SA BARANGAY PROGRAM, INILUNSAD SA LINGAYEN

Pormal ng nailunsad sa bayan ng Lingayen ang Bantay ASF sa Barangay o BABay ASF ng Department of Agriculture.

Ito umano ang tutugon upang epektibong mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) at muling buhayin ang industriya ng pagba-baboy sa bayan.

Ito rin ang nagsisilbing bagong plataporma sa pagsugpo sa virus sa mga baboy bilang bahagi na din ng Whole-of-Nation Measures ng pamahalaang nasyunal.

Sa katunayan, dalawang barangay na kinabibilangan ng Brgy. Estanza at Brgy. Sabangan ang tinungo ng Municipal Agriculture Office (MAO) kasama ang Local Disaster Risk Reduction Office (LDRRMO) Lingayen ngayong araw upang umpisahan ang implementasyon ng nasabing programa.

Nagsagawa ng Cleaning at Disinfection ang mga nabanggit na tanggapan sa labing limang (15) livestock farms sa Brgy. Estanza at Brgy. Sabangan na pawang mga naapektuhan ng ASF.

Ayon pa sa MAO, gagawin ito ng tatlong beses sa isang buwan.

Ang Bantay ASF sa Barangay o BABay ASF ay isang collaborative initiative ng Department of Agriculture – National Livestock Program (DA – NLP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine College of Swine Practitioners (PCSP), mga Local Government Units, academe, relevant government agencies, at pribadong sektor.

Ito ay isang nationwide implemention, na may layuning maibaba ang iba’t ibang ginagawang pag-aksyon o pagpapalawig ng disease response, biosecurity, monitoring, at surveillance lalo na sa mga itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamahalaan- ang mga barangay. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan