Skip to main content

BARANGAY VAW DESK OFFICERS TRAINING AT PREMIERE SHOWING NG PELIKULANG EBAI, MATAGUMPAY NA IDINAOS

Idinaos ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Judy Vargas Quiocho ang kauna- unahan nitong advocacy film tungkol sa karapatan ng kababaihan at mga kabataan.

Ito’y bilang bahagi ng pag-obserba sa kampanyang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW).

Katuwang ang HCA Production at sa dereksyon na ni Harvie C. Aquino, tagumpay na naipalabas ang pelikulang EBAI: “Babae ka, hindi Babae Lang”.

Ipinakita sa nasabing film viewing ang mga issues tungkol sa mga kababaihang nakakaranas ng pisikal o sekswal na karahasan tulad na lamang panghihipo lalo na pag nalalasing, panggagahasa, pagtrato sa babae bilang sekswal na bagay o sex object, paggamit ng malalaswang salita; sikolohikal na karahasan, tulad ng pangangaliwa at pagmamanman (stalking).

Naniniwala naman si Mayor Bataoil na isa sa pinakamabisang paraan o strategy upang ma-educate ang publiko ay ang pagpapalabas ng mga ganitong uri ng pelikula.

Aniya, mahalagang kilalanin at maisapubliko ang karapatan ng kababaihan sa pantay na pagtrato at pag-aangat ng kanilang dignidad.

Naki-isa rin sa naturang aktibidad ang iba pang kawani at halal na opisyal ng bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Vice Mayor Quiocho sa naturang alkalde dahil sa walang sawa nitong pagbibigay suporta sa mga proyektong inilaan para sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.

Samantala, bukod sa pagpapalabas ng naturang pelikula, nagkaroon din ng training para sa Barangay VAW Desk Officers kasama ang kanilang mga punong barangay at kagawad na nangasiwa sa committee on women’s affairs at nagpamahagi din ng handbooks, hygiene kits, Digital Voice Records at maging VAW desk o lamesang na maaari nilang gamitin habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan