BATANG PINOY ATHLETES NG LINGAYEN IPINAKILALA SABAY SA FLAG RAISING CEREMONY

BATANG PINOY ATHLETES NG LINGAYEN IPINAKILALA SABAY SA FLAG RAISING CEREMONY
Ipinakilala sa mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang mga batang atletang lumahok sa katatapos lamang na Batang Pinoy 2022 Eliminations sa lalawigan ng Pangasinan noong September 10-11, 2022 para sa larangan ng Track and Field.
Isinabay ito sa regular flag raising ceremony ngayong Lunes, ika-12 ng Setyembre, 2022 na pinanungahan ng host agency na Lingayen Police Station.
Naroon din sa naturang seremonya sina Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, Coun. Jonathan Ramos at Coun. Jolo Lopez na nagbigay ng update sa mga nagdaang aktibidad ng LGU gayundin ng mga aktibidad na isinagawa ng Sangguniang Bayan ng Lingayen.
Ipinaalala naman ni Municipal Administrator Roberto Sylim ang mga kinakailangan pang tapusing mga trabaho upang maka-comply sa mga nagdaang validation na isinagawa sa bayan ukol sa iba’t ibang mga entries sa mga government-award giving bodies.
Masaya naming hinandugan ng Lingayen Police Station ng isang pagtatanghal ang mga kawani ng LGU Lingayen na pamapa-good vibes umano sa pagsisimula ng Linggo.
Samantala matapos ng flag raising ay itinurn-over sa mga Batang Pinoy at kanilang coaches ang food packs na handog ni Mayor Leopoldo N. Bataoil maliban pa sa mga naunang assistance na ipinagkaloob sa mga batang atleta.
Narito ang mga awards na naipanalo ng mga atletang Lingayenense below 15 years old sa tulong ng kanilang mga coaches na sina Lany Adaoag, Jerome Fernandez at Gemma Felix sa Track and Field:
Jolo Mondero (Gold Medal) 100-meter dash/ 200-meter dash/ 400-meter dash
Aivelyn Arellano (Gold Medal) 800-meter dash
Sophia Lumandas (Bronze Medal) 800-meter dash/ 1,500-meter dash/ 3,000-meter dash
Reynel De Guzman (Bronze Medal) 800-meter dash
Aivelyn Arellano (Bronze Medal) 200-meter dash
Nakatakda naming mag-compete sa national level ang mga nakakamit ng gintong medalya sa Vigan City na gaganapin sa Disyembre habang naghahanda na rin ang mga batang atleta sa isa pang kompetisyon ngayong September 17-18, 2022 sa lalawigan para sa Pinoy Athletics. (MIO)
📸MIO/DDeGuzman/CCacondangan

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan