Skip to main content

“BATING FILIPINO” ALTERNATIBONG PAMAMARAAN NANG PAGBIBIGAY GALANG

Opisyal nang sinusunod ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang ‘Bating Filipino’ bilang tanda ng pagbati at pagbibigay galang sa mga kapwa.

Sa ginanap na regular session ng Sangguniang Bayan ng Lingayen noong Hunyo 29, 2020, pormal na inaprubahan House Resolution No. 217, S-2020 o “Adopting the ‘Bating Filipiono’, The New Way of Greeting Another Persons Amid The COVID-19 Pandemic”.

Ito ang pinakamakabagong pamamaraan na isinulong ng pamahalan mula sa panukala ni Marikina City Representative Bayani F. Fernando.

Sa “Bating Filipino,” ilalagay ang kanang kamay sa dibdib at bahagyang yuyuko at dahan-dahang itataas ang ulo nang nakangiti bilang alternatibong pamamaraan ng pagbati o pag galang upang ma-obserbahan pa rin ang social distancing.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan umano ang pagkalat ng coronavirus o COVID-19 infection.

Kaugnay nito ay ang panawagan ni Vice Mayor Judy Vargas- Quiocho sa mga kabataan na ibigay ang respeto sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan ng pagbati.

“Sana yong mga kabataan ma-adopt din nila ito para matuto sila ng tamang respeto lalo na syempre, sa mga nakakatanda natin” ani Quiocho.

Suportado naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang pagpapalit ng naka-ugaliang paraan ng pagbati sa isa’t isa lalo na ngayong panahon ng pandemya. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan